Naman.. tinatanung pa ba yan.. syempre magandang lalaki talaga ito.. hahaha
Je suis beau for boys while Je suis belle for girls. The very important expressions that you have to know while studying french... atleast for me. Bagay na bagay sa mahahangin! hehehe
"Je suis ètudient un française"
"Jeh-swee etu-diont un fahn-seeh". Gandang pakinggan noh. Parang pagkatapos mong basahin sabay tanung ng.."ano daw @#$%???". "I am a student of french" okay cge na nga. Pakiramdam ko tuloy para akong bata. Natutuwa sa mga salitang napag-aaralan ko. Nakakaaliw pero mas nakakalito. Madalas pinagmamasdan ko na lang yung isa kong kamag-aral na nagkakamot ng ulo. Parang gusto ko cyang tulungang magkamot... hahaha.
Anyway, matatapos na naman ang oras ng trabaho, pero wla parin akong maisip gawin liban sa pagsusulat. Iniisip ko tuloy pag uwi ko kaya ng bahay matutulog ako, mag jo-joging, mag su-swimming o mangangapit bahay? Pag kasi ang isang bagay araw araw mo ng ginagawa minsan nakakabagot. Pag binasa ko naman yung mga notes ko aantukin naman ako.. hayyy hirap talagang mag-isip pag di matino ang nag-iisip :).
Isa pa, napansin ko lang sa mga nababasa kong blog sa web halos lahat ata nakasulat sa wikang ingles... hmm gayahin ko kaya? Kaso hindi na nga ako magaling mag pahayag ng damdamin sa sarili kong salita eh gagamit pa ako ng banyaga baka lalong wala na akong maisulat.
Naalala ko tuloy nagkaron yata ako ng phobia sa pag aaral ng ingles dahil sa guro ko noong highschool. Si Ms. Terror. Lagi kasing naka lisik ang mata pag nag tuturo... resulta.. nawalan ako ng ganang mag-aral.
Pero just to challenge my ability and knowledge(bigat!) eh mag try akong sumulat ng mga pa ilan ilang entries sa ingles. Sa tingin ko naman, hindi kailangang gumamit ng malalalim na salita upang iparating mo ang nais mong sabihin. Hindi naman ako nag-aral ng Journalism para maging perpekto sa pagsusulat.
ONSE-han 4.0, Pumo-photographer Mode
13 years ago
No comments:
Post a Comment