Friday, September 28, 2007

Bonjour!

"Buenos Dias" in Spanish, "Good Morning" in English, "Selamat Pagi" in Bahasa and "Magandang Umaga" in Tagalog. These are the meanings of Bonjour(bon-jhoor!).

It is salary day! I am so glad that my sufferings end. Been counting days since last week because I already spent all my allowances...hehehe.

Also one of the reason why I woke up early para makakuha kagad ng pera sa bangko. I need to send some money back home cause my uncle is sick. Hope he will be okay soon. Nakakainis lang kasi naiwan ko yung passport ko sa bahay. Okay lang sana kung malapit lang ako sa building namin, kaso nakarating na ako sa bus stand. No choice. Kailangan kong balikan ulit kaya nag palakad takbo na ako.

Anyway successful naman kasi umabot pa ako dun sa dumating na bus pag balik ko galing bahay. Yun nga lang sakit ng mga hita at paa ko.

Lesson learned: "Ugaliing i-tsek lahat ng gamit at gagamitin bago umalis ng bahay".

Thursday, September 27, 2007

Je suis beau!

Naman.. tinatanung pa ba yan.. syempre magandang lalaki talaga ito.. hahaha

Je suis beau for boys while Je suis belle for girls. The very important expressions that you have to know while studying french... atleast for me. Bagay na bagay sa mahahangin! hehehe


"Je suis ètudient un française"

"Jeh-swee etu-diont un fahn-seeh". Gandang pakinggan noh. Parang pagkatapos mong basahin sabay tanung ng.."ano daw @#$%???". "I am a student of french" okay cge na nga. Pakiramdam ko tuloy para akong bata. Natutuwa sa mga salitang napag-aaralan ko. Nakakaaliw pero mas nakakalito. Madalas pinagmamasdan ko na lang yung isa kong kamag-aral na nagkakamot ng ulo. Parang gusto ko cyang tulungang magkamot... hahaha.

Anyway, matatapos na naman ang oras ng trabaho, pero wla parin akong maisip gawin liban sa pagsusulat. Iniisip ko tuloy pag uwi ko kaya ng bahay matutulog ako, mag jo-joging, mag su-swimming o mangangapit bahay? Pag kasi ang isang bagay araw araw mo ng ginagawa minsan nakakabagot. Pag binasa ko naman yung mga notes ko aantukin naman ako.. hayyy hirap talagang mag-isip pag di matino ang nag-iisip :).

Isa pa, napansin ko lang sa mga nababasa kong blog sa web halos lahat ata nakasulat sa wikang ingles... hmm gayahin ko kaya? Kaso hindi na nga ako magaling mag pahayag ng damdamin sa sarili kong salita eh gagamit pa ako ng banyaga baka lalong wala na akong maisulat.

Naalala ko tuloy nagkaron yata ako ng phobia sa pag aaral ng ingles dahil sa guro ko noong highschool. Si Ms. Terror. Lagi kasing naka lisik ang mata pag nag tuturo... resulta.. nawalan ako ng ganang mag-aral.

Pero just to challenge my ability and knowledge(bigat!) eh mag try akong sumulat ng mga pa ilan ilang entries sa ingles. Sa tingin ko naman, hindi kailangang gumamit ng malalalim na salita upang iparating mo ang nais mong sabihin. Hindi naman ako nag-aral ng Journalism para maging perpekto sa pagsusulat.

Bienvenue!

Bienvenue or welcome ito ang salitang una kong nabasa sa dalawang pahina ng papel na iniabot sa amin ng aming magiging guro.

At first, i thought the institution will provide us book and cd that we will use while studying french.. im wrong.

Unlike others, my chosen school(kung matatawag nga siyang school) provide a very informal way of teaching... sabi ni Ms. chew.

Anyway, my first day is quite exciting..(atleast as i remember... 15 august, 2007). All of this are new to me. I remember dreaming of learning atleast 3 different languanges aside on my mother and adopted tongue. Now here I am sitting in a desk, feeling like being an elementary student with my other foreign classmates.

Maliit lang ang group/class namin. Some are foreigner like me... 1 from india and 2 from laos. The rest are from my adopted country. Nakakatuwang malaman na madami rin palang tao(hindi lang ako) ang nag nanais na matuto ng ibang salita.


First rule: "Words pronounciations is far different on its spelling".

Nose and ears bleeding. Gusto kong impog ang ulo ko sa pader na katabi ko habang nakikinig at sinusubukang bigkasin ang mga salitang binabanggit ng aming guro.

Bonjour Monssieur! (bon-jhoor mesyu)
Bonjour Mademoiselle! (bon-jhoor mademosel)

Hindi ko inakala na kakaiba pala ang pagbigkas sa mga salitang ito. Akala ko naman simpleng "Mon-syur" at "Made-moysel" lang puede na.. hindi pala. Dibale mas kaawa-awa naman ang inaabot nung isang tsekwa kong kasama. Baka naiisin nalng nyang putulin ang kanyang namamaluktot na dila.

Sa katapusan ng klase medyo madami na akong nalaman.. ang ibat-ibang uri ng pagbati... sana lang sipagin akong pumasok palagi.. nakakatamad kasing pumasok sa skwelahan pagkatapos mong mag trabaho sa opisina.

My First Post

Atlas! Nakagawa na ako ng isang lihim na blog hahaha.. sana lang maengganyo pa akong maiba ang template at pangalan ng blog ko.

Anyway, wala naman akong ibang intensyon na isulat kundi ang namumukud tangi kong pinag kakaabalahan sa mga panahong ito.. ang pag aaral ng pranses..

Sana lang maipagpatuloy ko ang pag boblog.. nakakainggit kasi yung ibang bloggers na may mahaba at matanda ng mga site..

Matsala!